CSOs iginiit ang soberenya sa West Philippine Sea
Thursday, March 9, 2023
Share to Friend
Print a Copy
Sumama sa Tambuyog Development Center sina Ka Robert ‘Dodoy’ Ballon, Ka Pablo Rosales at Ka Ruperto Aleroza ng Katipunan ng mga Kilusan ng Artisanong Mangingisda sa Pilipinas (KKAMPi) at higit 50-civil society organizations (CSOs) sa pagpirma ng magkasanib na pahayag na gumigiit sa soberanya ng bansa at karapatan sa West Philippine Sea.
Ginanap kamakailan ang tatlong araw na CSO Summit sa West Philippine Sea sa Puerto Princesa, Palawan upang ilabas ang isang boses ng call to action para italaga ang WPS bilang isang marine protected area at biodiversity seascape.
Ang Summit ay gumawa ng magkasanib na pahayag upang protektahan ang WPS, na sinuportahan at nilagdaan ng 52 Civil Society Organizations mula sa iba't ibang sektor sa bansa.
https://www.facebook.com/abantenews/posts/pfbid0XDV9rstVVMEiQXriZmGs82Sb11hwUkJ66787BUCm89ZFNBJocomunb7mF4wyADRAl